Advertisers

Advertisers

Riders ng Grab pinaramdam ang galit sa management

0 14

Advertisers

APEKTADO at naramdaman ng mga empleado ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at mga tauhan ng mga pribadong kumpanya ang ginawang isang araw na tigil-pasada ng Grab riders dahil walang food deliveries mula sa iba’t ibang restaurant sa Metro Manila laluna sa Quezon City na seneserbisyuhan ng riders.

Ayon kay Ernesto Mira Cordova, isa sa Grab driver, sila ay naka- offline at walang makikitang grab rider sa mga kainan bilang suporta sa iba pang kasamahan na nagtigil-pasada.

Sentimiento ng Grab riders na tumigil pasada sila dahil hindi na matanggap ang hindi makatarungang pagpapatupad ng kumpanyang Grab sa pagbawas sa kanilang kita ng P45 mula sa dating P35 reduction base fare kasama na ang P10 bawas sa 6 kilometer minimum per kilometer rate na dati ay P7 lamang.



Ayon sa ‘Kapatiran sa Dalawang Gulong’ or Kagulong, hindi nakonsulta ang Grab riders na tataasan sila ng kumpanya ng bawas sa kanilang kita kaya laking gulat na lamang nila na maliit na lamang ang kanilang take home pay dahil dito.

Ikinatwiran ng grupo na dapat nga ay tulungan sila ng kumpanya sa hirap na dinaranas dulot ng mataas na halaga ng petrolyo at inflation pero ang ginawa pa ay binawasan pa ang kanilang kita sa kada araw.

Nanawagan ang samahan sa LTFRB, DOTr at Malakanyang na tulungan silang maaksiyonan ang hindi makatarungang kaltas sa kanilang kita dahil ang maliit na kita dito ay pinagkakasya na lamang para sa pagkain ng pamilya laluna ngayong panahong hirap ang karamihan sa kabuhayan.