Advertisers

Advertisers

Panibagong strike ikinakasa ng transport group sa gitna parin ng PUJ phaseout

0 7

Advertisers

INIHAYAG ng isa pang transport group na naghahanda sila ng isang nationwide strike sa gitna ng nalalapit na phaseout ng mga tradisyunal na public utility jeepney (PUJs) sa Disyembre 31.

Sinabi ni Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide o PISTON president Mody Floranda na bukod sa phaseout ng mga tradisyunal na jeepney, ang welga sa buong bansa ay tutugon din sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ani Floranda, mula Hulyo kasi hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa P98 ang pagtaas ng presyo ng diesel.



Dagdag pa ni Floranda, nalulugi ang mga driver ng P500 kada araw o nasa pagitan ng P12,000 at P15,000 kada buwan dahil sa pagtaas ng presyo ng langis.

Layunin din aniya ng transport strike na isadula ang panawagan sa gobyerno na tugunan ang phaseout ng mga tradisyunal na jeepney sa pagpapatupad ng public utility vehicle modernization program (PUVMP).
Kinontra nito ang pahayag ng Department of Transportation na 70 porsiyento ng mga PUJ ay nakasunod sa nasabing modernization program.