Advertisers

Advertisers

Truck importers sa Freeport, binalaan ng SBMA Chairman

0 210

Advertisers

BINALAAN ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Jonathan D. Tan ang lahat ng mga negosyante partikular ang mga gumagamit ng pantalan na nagpaparating ng mga truck na kailangang sumunod sa umiiral na panuntunan kung ayaw nilang mapalayas sa pagnenegosyo sa loob ng Freeport.

Sa isang pulong ni Chairman Tan sa may tinatayamg 100 stakeholders ay kaniyang sinabi na ang ahensiya ay maghihigpit at susugpuin ang mga gawaing iligal na umanoy talamak sa Freeport.

Isa sa madalas na gawin ng ilang tiwaling negosyante ay ang under declaration sa timbang ng mga pinararating na truck upang makabawas ng bayarin sa taripa at buwis.



Bukod dito ay bistado rin ang mga gawain ng ilan na nireretoke at binabago ang year model ng truck at pinaiikli ang proseso upang maiwasan ang mahigpit na polisiya sa pantalan sa pamamagitan ng umanoy panunuhol .

“This is a fair warning to everyone . The President told me to give you a chance , he told me to save the truck industry . The processing of imported trucks should be done as stated by law’ pagdidiin ni Chairman Tan.

“Most truckers here use bribes to speed up the processing of their papers . We will stop this illegal activity and will abide by process on the releasing of trucks” dagdag pa ni Chairman.

Sa ngayon, inihayag ni Chairman Tan na naka-proseso na ang SBMA sa pagbili ng weighing scale na maaring magamit na sa November 15 ngayong taon upang mabigyan ng sapat na kagamitan ang ahensiya at mas matiyak na tama ang totoong timbang ng mga imported na sasakyan, gayundin ay matiyak na mapipigilan ang mga iligal na gawain at katiwalian sa port area.

“You have until November 15 to straighten your businesses or we will revoke your permit .This order is coming from the President . and I will coordinate with BOC Commissioner Bienvenido Rubio to ensure that you are all following the protocols “ pagdiiin ni Chairman .



Kinastigo rin ng SBMA Chief ang sinuman na gagamit sa kaniyang pangalan upang manghingi ng salapi bilang suhol kung lahat agad na ibinigay nito ang kaniyang personal na numero ng telepono sa mga truckers upang agad isumbong ang mga ganitong kalokohan.

“Ngayon bago na.., kung hindi niyo magagawa ng tama yan, I will have to revoke your permit” pagtatapos ni Chairman.