Advertisers

Advertisers

101 kandidato sa BSKE umatras

0 5

Advertisers

PUMALO sa 101 ang kabuuang bilang ng mga kandidato na nag-withdraw ng kanilang kandidatura sa Barangay at Sangguniang Kabataan Eletions dalawang araw bago ang halalan.

Sa tala ng Commission on Elections (COMELEC) Sorsogon, pinakamarami sa nasabing bilang mula sa lungsod ng Sorsogon na mayroong 32 kandidato, tig-3 sa mga bayan ng Casiguran, Barcelona, Gubat at Sta. Magdalena, 12 sa bayan ng Castilla, 7 Donsol, 1 sa Magallanes, tig-5 sa Pilar, Bulusan at Matnog, tig-6 sa Bulan, Irosin at Pto. Diaz, at 4 sa Juban.

Sa Bicol, mahigit 600 kandidato ang umatras noong Huwebes. Nanguna ang lalawigan ng Camarines Sur na mayroong mahigit 154, sumunod ang Albay, Masbate, Sorsogon Cantanduanes at Camarines Norte.



Mayroon ang Bicol ng 120,219 na mga kandidato para sa BSKE, 69,105 dito ay tumatakbong chairman at kagawad; at 57,114 ay tumatakbo sa Sangguniang Kabataan.