Advertisers
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na maging handa para depensahan ang buong kapuluan mula sa emerging threats.
Ginawa ng Pangulo ang naturang pahayag kasabay ng oathtaking ng bagong na-promote na heneral ng PH military sa Ceremonial Hall sa Malacañan Palace.
Tinatayang nasa 31 newly promoted AFP Generals at Flag Officers,kabailang si AFP Chief of Staff General Romeo Saturnino Brawner na nanumpa sa Commander-in-Chief.
Sinabi rin ni Pangulong Marcos na bilang bagong mga pinuno ng hukbong sandatahan ng Pilipinas, inaasahan ang mga ito na tumulong sa pagtiyak na ang Armed Forces ay magiging maliksi, flexible at responsive para mas maayos na matugunan ang emerging issues na kinakaharap ng ating bansa.
Hinikayat din ni Pangulong Marcos ang mga opisyal ng AFP na paghusayin pa ang joint planning at operations para matiyak ang intero-perability sa lahat ng units at platforms ng AFP.
Umaasa rin ang Punong Ehekutibo na gagampanan ng kasundaluhan ng bansa ang kanilang mga tungkulin nang may integridad, katapatan at propesyunalismo o mga katangian na mahalaga sa serbisyo bilang mga opisyal sa armed service ng bansa.