Advertisers

Advertisers

LIBRENG COVID MASS TESTING SA MAYNILA, BALIK NA ULI – ISKO

0 301

Advertisers

BALIK na uli ang libreng COVID-19 mass testing sa Maynila matapos ihinto bunga ng super typhoon Rolly na nanalasa sa bansa, at sa pagkakataon ito ay higit pa itong pinaigting.

Sinabi Mayor Isko Moreno na ang Mobile Serology Testing Clinic ng lungsod ay nagpunta na sa Barangay 190, Zone 17 at Barangay 368, Zone 37, upang magsagawa ng mass testing.

Ang mga kawani ng Manila Health Department sa ilalim ni Dr. Arnold Pangan at Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa ialim ni chief Arnel Angeles ay nagtungo sa mga nabanggit na lugar upang hadlangan ang posibleng pagkalat ng nakamamatay na virus.



Kasabay nito ay sinabi rin ni Moreno na ang lahat ng drive-thru at walk-in testing centers para sa COVID-19 ay bukas na rin sa lahat ng gustong sumailalim sa serology testing para sa kung anong kadahilanan tulad ng pagkakaroon ng sintomas, job requirement o nais lamang magkaroon ng kapanatagan ang isip.

Hinikayat ni Moreno ang publiko na samantalahin ang free COVID-19 testing na may tiyak na confirmatory results ‘di tulad ng rapid tests na kung minsan ay naglalabas ng resultang false negative at false positive.

Ang drive-thru testing center sa Quirino Grandstand at walk-in testing centers sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Justice Jose Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc and Ospital ng Maynila ay libreng COVID-19 testing kahit na sa mga hindi taga-Maynila.

Kaugnay pa nito ay pinagbigay alam din ni Moreno na ang swab testing sa mga public utility vehicle drivers, mall at hotel employes at public market vendors na naaayon sa executive order na kanyang ipinalabas ay tuloy pa rin kung saan mahigit 10,000 ang na-swab. Sa unang batch na sinuri na binubuo ng 5,000 ng katao, ay 400 ang nagpositibo. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">