Advertisers
ANG World number two pole vaulter ng Pilipinas Ernest John “EJ” Obiena ay magsasagawa ng “e-Kwentuhan” sa suporters sa Lunes, Nobyembre 13.
Tinawag na “Katapult the Dream” ginawa ni Obiena ang anunsyo sa kanyang Facebook page Huwebes ng gabi na ibabahagi niya ang kanyang athletic journey at ang kanyang pangarap na tulungan ang batang atleta sa bansa.
Maiksing question and answer session ang nakalatag sa panahon ng event.
Nakaraang buwan, Obiena ay nagsagawa ng parehong press conference habang bumisita sa bansa, na sariwa pa sa gold medal performance sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Sa Oktuber 17, inanunsyo rin nya na sinusubasta ang kanyang outfits na kanyang sout sa Southeast Asian Games at sa Asian Games, para suportahan ang next generation ng atleta.
Ang virtual event ni Obiena ay gaganapin sa Lunes via Zoom alas 3 ng hapon Manila time.