Advertisers
TATLUMPONG Fiberglass 60hp Reinforced Boats ang ipinagkaloob sa 30 benepisaryo mangingisda at DOLE TUPAD Payout para sa 30 benepisyo ng well-deserving family members ng mga mangingisda.
Nakipagtulungan si Manila Teachers partylist Rep. Virgilio Lacson, sa Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at Department Labor and Emplyment sa pagkakaloob ng fiberglass boats para sa mga mangingisda at cash-for-work assistance para sa kanilang miyembro ng pamilya.
Bilang pagsuporta sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr upang iangat ang sektor ng agrikultura, sinabi ni Lacson na ipagpapatuloy ang kanyang commitment sa pagsisilbi sa mga Filipino sa pamamagitan ng mga inisyatibo para sa kabuhayan ng bawat mamamayan.
Sa pamamagitan ng mga fiberglass boats, dagdag pa ni Lacosn inaasahang madaragdan ang kanilang kaalaman sa boat-making at fishing skills.
Dinisenyo ang programa upang suportahan ang kabuhayan ng mga mangingisda, tiyakin ang mas ligtas at mapanatili ang pinagmumulan ng kita at palakasin ang loob sa pagharap sa mga hamon ng buhay.
Naging panauhin pandangal sa okasyon sina BFAR Assistant Directer Zaldy Perez, DOLE Undersecretary Benjo Santos Buenavidez at Navotas City Mayor John Rey Tiangco. Ang kanilang presensiya ay nagbigay ng kahalagahan para sa iisang layunin at kakayahang iangat ang kabuhayan ng mga mangingisda at kanilang pamilya.
Upang magpatuloy bigyan ng inspirasyon ang sektor ng pangisdaan sa buong bansa, sinabi ni Lacson na nakatakdang pagkalooban din ng fiberglass boats ang mga mangingisda sa dalawang lugar sa lalawigan ng Pangasinan sa susunod na buwan.