Advertisers

Advertisers

Bgy. kapitan patay sa bangga ng trike

0 13

Advertisers

NASAWI sa banggaan ang bagong halal na kapitan sa Bagacay-Maharlika Highway sa Tacloban City noong Biyernes, Nobyembre 10.

Minamaneho ang motorsiklo ng asawa ng barangay chairwoman na si Niña Danica Bayona, 28, nang salpukin ng isang tricycle sa naturang highway sa Barangay 93.

Nanalo sai Bayona sa katatapos lamang na eleksyon bilang kapitan ng Barangay Sampaguita, Dagami.



Sa aksidente, sugatan ang asawa ni Bayona habang ang kapitan ay binawian ng buhay na tumilapon mula sa motorsiklo nang salpukin ng tricycle na minamaneho ni Bernie Gacoscosim, 32 anyos.

Nasa kustodiya na ng pulisya si Gacoscosim.