Advertisers
MINASAKER ang nanay at dalawang menor-de-edad na anak ng isang 20-anyos na nobyo ng isa pang anak na dalaga sa loob ng kanilang tahanan sa Surigao City noong Biyernes.
Kinilala ang mga biktima na sina Mylene Golloso Virgen, 40 anyos; at mga anak na sina John David, 13; at Mary Elizabeth, 9; pawang residente sa Barangay Luna, Surigao City.
Naaresto sa ikinasang hot pursuit operation ng Surigao City Police ang salarin na si Alejandro Ultado Cortes, 20.
Inamin ni Cortes sa ginawang pagmasaker sa mag-iinang Vigen gamit ang isang itak.
Mismong si Lt. Col. Diomedes Cuadra, Jr., hepe ng Surigao City Police, ang nagkumpirma nitong Sabado na naaresto na ang salarin sa tulong ng mga saksi at mga kamag-anak ng kanyang mga napatay na mag-iina.
Ayon sa mga kakilala ni Cortes, pinagplanuhang patayin ni Cortes si Virgen dahil sa matinding pagtutol nito sa relasyon nila ng kanyang 20-anyos na dalagang anak na hindi na tinukoy ni Cuadra ang pangalan.
Nahaharap ang salarin sa kasong multiple murder.