Advertisers
BALAK ng Government Service Insurance System(GSIS) namamahagi ng cash gift sa mga retiradong empleyado ng pamahalaan.
Ito ay bilang pagpupugay pa rin ng GSIS sa naging kontribusyon ng mga naturang empleyado sa kanilang pagsisilbi sa pamahalaan.
Sa inisyal na plano ng GSIS, bibigyan ang bawat retiradong empleyado ng tig-P10,000.
Ito ay katumbas ng isang buwang pensyon ng isang ordinaryong retiradong empleyado habang mas mataas pa kumpara sa natatanggap ng ibang empleyado na una nang nakapag retiro at hindi gaanong umangat ang posisyon.
Posibleng sa unang bahagi ng Disyembre, 2023 ay ilalabas na rin ang naturang cash gift.
Samantala, inaasahan namang aabot ng hanggang apat na bilyong piso ang kabuuang ipapamahaging pera para sa mga retiradog empleyado.