Advertisers
BUMULAGTA ang isang barangay tanod nang barilin habang nasa inuman sa Barangay Pagaspas, Tanauan City, Batangas nitong Sabado ng gabi.
Hindi na naisugod sa ospital dahil binawian kaagad ng buhay ang biktimang si Alvin Paquiz, 50 anyos, tricycle driver at tanod ng nasabing barangay, nang magtamo ng isang tama ng kalibre .45 baril sa ulo.
Nasugatan naman ang kainuman at katabi nito na si Alberto Muhallin, 52, nang tamaan ng balang tumagos mula sa katawan ni Paquiz.
Sa report, 9:00 ng gabi, nag-iinuman ang mga biktima at ilan pang kaibigan sa bahay ng isang Wilson Masajo nang solong dumating ang salarin na nakasuot ng camouflage uniform at naka-helmet. Walang sabi-sabing pinaputukan nito ang biktima at mabilis na tumakas sakay ng kanyang motorsiklo.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.