Advertisers
NADAKIP sa mga hiwalay na operasyon ang apat na pulis, isa sa kanila tinyente, na nagholdap ng isang negosyante sa Zamboanga City, tinangay pa ang dalawang kaha-de-yero nitong may lamang pera na aabot sa P1.8 million ang halaga nitong Sabado, November 18, 2023.
Kinilala ang mga naaresto na sina Lt. Ariel F. Jolatoria, Patrolman Rayan R. Apostol, Senior Master Sgt. Alnajer A. Ynawat, at Staff Sgt. Edcel S. Nicolas.
Nitong November 14, nagpanggap ang apat na pulis na hahainan ng warrant of arrest na peke ang negosyanteng si Al-Ghabid Umabong Abdul kaya nila napasok ang bahay nito sa Basilio Drive, Natividad Street, Barangay Tetuan, Zamboanga City, at agad sinamsam ang mga alahas, cellphone at kaha-de-yero nito, binitbit sa kanilang pagtakas.
Kasapi si Jalatoria ng Regional Support Unit-Police Regional Office-9, nakadestino naman si Apostol sa Zamboanga City Police Office 2nd Mobile Force Company,habang si Ynawat ay nasa ilalim ng Zamboanga City Police Office Mobile Patrol Unit, at miyembro ng Zamboanga City Police Station 7 si Nicolas.
Isa-isa silang naaresto nitong Sabado sa hiwalay na mga operasyon sa iba’t ibang lugar sa Zamboanga City ng mga unit ng PRO-9 at ng Criminal Investigation and Detection Group-9 sa tulong ng mga impormante.
Matagal nang pinagdududahang si Ynawat na sangkot sa mga ilegal na gawain dahil sa marangyang pamumuhay nito at pagkakaroon ng rent-a-car business na hindi kakayaning ipundar kung sweldo lang niya sa pagka-police senior master sergeant ang aasahan.
Natagpuan sa operasyon ng pulisya ang dalawang kaha-de-yero na sinira ng mga kawatan na mga pulis