Advertisers
ATIN ang kabuuan ng West Philippine Sea. Hindi ito ipinamimigay kahit isang kuwadrado pulgada ng West Philippine Sea. Ipinagkanulo ni Gongdi ang integridad ng ating teritoryo. Pilit itong itinutuwid ng iba’t ibang pwersa pulitikal sa bansa. Pagdating sa pag-aangkin ng Tsina sa ating teritoryo, pagnanakaw ng ating yaman-dagat, at pagsira ng ating kaligiran, nagkakaisa ang mga iba’t ibang pwersa at isa lang ang panawagan- atin ang West Philippine Sea.
Noong Lunes, nagdaos ng isang pulong balitaan ang ATIN ITO!, isang koalisyon ng iba’t ibang organisyon na kilusang panlipunan, NGOs, grupo ng mga mangingisda, lider-Simbahan, alagad ng sining, at mangangalakal, kung saan ipinahayag nila ang dalawang inisyatiba upang bigyang ng sigla ang panawagan na atin nga ang West Philippine Sea.
Una, ang Atin Ito! West Philippine Sea Musical Event. Naka-sked na ganapin ang isang araw ng musika sa ika-29 ng Nobyembre UP Bahay ng Alumni. Layunin ng musical event na pukawin ang damdaming makabayan ng ating mamamayan.
Nais rin ng koalisyon na bigyang parangal ang mga mangingisda at ipahayag ang mga hamon na kanilang hinaharap dahil sa patuloy na pagnanakaw ng Tsina sa ating yamang-dagat sa West Philippine Sea. Pangungunahan ng mang-aawit na Noel Cabangon and musical event.
Naroon ang mang-aawit tulad ni Ebe Dancel, Lolita Carbon, Bayang Barrios, at Gracenote. Dadalo rin si 6CycleMind, Autotelic, Hey June, Ena Mora, Leanne and Naara, at iba pa. Pakay nila na ibahagi ang mensahe ng pagkakaisa at paglaban upang harapin ang pananalbahe ng Tsina sa ating karagatan.
Pangalawa, maglalakbay ang isang convoy ng mga sasakyang dagat sa ika-5 ng Disyembre upang maghatid ng tulong sa mga sundalo na nakahimpil sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea. Hindi bababa sa 40 sasakyang dagat ang may komitment na sumamasa Christmas Convoy Civilian Supply Mission sa West Philippine Sea.
Layunin rin ng misyon ang mapayapang paggigiit ng ating soberanya at integridad ng ating teritoryo sa harap ng agresibong pangamngam ng Tsina sa ating teritoryo. Layunin rin na ipahayag ang isang matinding mensahe na suportado ng maraming Filipino ang pagharap sa mga hamon sa soberanya ng ating karagatan.
Sa pulong balitaan, ipinahayag ng liderato ng ATIN ITO! ang suporta nina Akbayan Sen. Risa Hontiveros, dating senador Manny Pacquiao, Bishop Pablo David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), Rear Admiral Rommel Ong (retirado), Palawan Vicar Apostolic Bishop Broderick Pabillo, folk singer Noel Cabangon at marami pa na sumuporta sa dalawang proyekto ng ATIN ITO!
***
MAY mga ginintuang tala sa presscon ng ATIN ITO! Hindi namin nakakaligtaan ang sinabi ni Rear Admiral Romualdo Ong na hindi lang ang pangkalahatang national security ang isyu bumabalot sa usapin ng West Philippines. Mas matindi ang isyu ng energy at food security. Binigyan diin niya ang pagnanakaw ng Tsina sa yamang-dagat sa WPS.
Binanggit ni Ong na hindi natin dapat ibigay ang Ayungin Shoal sa mga Intsik dahil sa may mga itinatago itong yamang kalikasan tulad ng langis at natural gas. Kailangan paghandaan natin ang nakatakdang pagkaubos ng yamang kalikasan ng Malampaya, ani Ong. Sinabi niya na hanggang 2027 na lang ang Malampaya. Kailangan maghanap tayo ng ipapalit sa Malampaya at ang Ayungin Shoal ay isang alternatibo.
***
MAY binitiwang talumpati si Sen. Risa Hontiveros sa pulong balitaan. Mga halaw:
“Nitong buwan lang, nakita nanaman natin ang pambabastos ng Tsina sa ating mga tropa sa sarili nating karagatan. Binomba na naman nila ng water cannon ang ating mga barkong papunta ng Ayungin Shoal. We all know this is not the first time. It is truly not an exaggeration when we say that Filipinos are being harassed in our own waters 24/7, on a daily basis. We have filed countless diplomatic protests to stop China from violating international law, from trespassing into our waters, from harming our own people. Ngunit, sa kabila ng mga diplomatikong protesta, sa kabila ng mga pahayag ng iba’t ibang bansa sa mundo, patuloy paring nagbibingi-bingihan ang Tsina. Hindi siya titigil hangga’t tuluyan niyang maagaw ang mga katubigan at teritoryong hindi naman sa kanya.
“Ang mas nakakatakot pa ngayon ay ang natuklasan namin sa aming imbestigasyon patungkol sa mga Chinese employees ng mga POGO. Naibunyag sa hearing na may mga Chinese nationals na bumibili ng Filipino birth certificate at mga government-issued IDs para magkaroon ng Philippine passport, para maging Pilipino. Umaabot pa nga daw ng P500,000 per passport ang kalakal. It is alarming that we are giving an all-access pass to our country to Chinese citizens through these POGO hubs, especially when considering tensions in the West Philippine Sea.
“Ang ating mga mangingisda at ating mga tropa ang unang-unang naapektuhan sa anumang pananakit ng Tsina sa West Philippine Sea. They all need our full support. They are risking their lives for us. They are quite literally our modern-day heroes.Kaya sana po suportahan natin ang mga inisyatibo tulad nitong musical event, donation drive, Christmas civilian convoy, at lahat pa na mga programa at proyektong nagdedepensa at nagpapalakas sa ating mga karapatan sa West Philippine Sea. Sabay-sabay nating isigaw: Atin Ito!”
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Koko Pimentel is no different from Joe Zubiri. On the day Cory Aquino took her oath of president to replace dictator Ferdinand Marcos (that was on the morning of February 25, 1986 or hours before Marcos flew out of Malacanang and was certainly ousted), Joe Zubiri, Mig Zubiri’s father, went to Club Filipino to join the oathtaking. Like rats jumping off a sinking ship, Joe Zubiri was among the first to leave Marcos to join Cory Aquino. Of course, he was not taken seriously. Why would the Cory Aquino take him in? Kokok was so unlike his late father, who was principled and steadfast. Koko must be a product of exhausted good genes.” – PL, netizen, kritiko
“Even if she’s a billionaire, I would consider Cynthia Villar poor. She has no sense of compassion, nor an understanding for humanity. She doesn’t know love, nor believe in kindness. If at all she cares, it’s profit that motivates her, and it’s greed that prints money on her face.” – Jed Q Cepe, netizen, kritiko
“Mainstream media errs, but it’s accountable. It corrects errors and issues errata. Pro-Gongdi bloggers don’t. They do fake news.” – Celo Tan, netizen
***
Email:bootsfra@yahoo.com