Advertisers

Advertisers

AUDIT REPORT NG MAGUINDANAO MASSACRE, ASAN NA NUJP? (Part 2)

0 10

Advertisers

NOONG Nobyembre 23, 2009, kabilang sa marahas na pinaslang ay 32 journalist sa 58 tao na ibinaon sa mga hukay sa Maguindanao massacre – na ang suspek ay ang kilalang angkan sa Mindanao.

Ika-14 na anibersaryo ng Ampatuan Massacre sa darating na Huwebes at ang tanong natin: natuos na ba, may audit report na ba sa milyon-milyong piso na kinolekta umano ng NUJP para raw itulong sa pamilya ng mga biktima?

Matagal na itong nire-request ng pamilya ng mga biktima sa inyo, NUJP, asan ang audit report, may accounting ba sa perang umano’y kinolekta nyo sa bansa at sa abroad.



In the spirit of trust and transparency, ipakita nyo, NUJP ang kuwentas klaras, ang maayos na auditing, pagtutuos kung saan ginastos, saan napunta ang milyones na umano kinolekta nyo.

“It has been 14 years now since the massacre and yet, no full accounting has been made to them,” sabi ni Gutierrez, at ito rin ang ating itinatanong at hinihinging ilabas ng NUJP.

Alam natin, pinaniniwalaan natin, pawang matatapat, responsable, matitino at mas mahuhusay pa sa amin ang mga opisyal at miyembro ng NUJP kaya sa panawagang ito ni Usec. Paul, makapaglalabas rin kayo ng inyong audit report, tama po ba ako, Ms. Olea.

Sa pagkaalam natin, tanging ang National Press Club of the Philippines (NPC) sa ngayon ang nakapagsumite sa PTFoMS ng accounting na salaping natanggap o nakolekta para sa mga biktima ng masaker, at ang audit report na ito ay naisumite noong 2018 pa.

Kaya pinupuri natin ang NPC kasi, ang perang nakolekta ay pera para itulong sa pamilya ng mga biktima ng Ampatuan massacre.

Pera nila iyon, hindi pera ng NPC, kaya tinuos, nagkaroon ng accounting, ipinakita kung paano at kung sino-sino ang nagbigay ng pera at kung magkano ang koleksiyon at iba pa pang pinagkagastusan.



Transparent, lantad sa madla ang NPC, at gayundin ba ang NJUP — na alam natin, transparent, matapat at mahusay sila.

Aasahan natin, ngayon na malapit na ang anibersaryo ng Ampatuan massacre, makapagbibigay na rin ng audit report ang NUJP, at hindi ito isesekreto tulad ng claim na mayroong mahigit sa 100 journalist na ang nabiktima ng karahasan mula nang maupong pangulo si PBBM.

Asan na ang audit report ng nakolektang milyones pesos para sa pakinabang ng mga biktima ng Maguindanao massacre?

Pwede po ba, ipadala ito sa [email protected].
***
Sa kapwa ko media workers, sana ay lagi tayong kumapit sa maayos na pagsunod sa itinakdang propesyonalismo sa ating propesyon, at kung maharap tayo sa harassment, mga kaso ng panggigipit, libelo at iba pa, may mga grupo tayo, tulad ng National Press Club (NPC) na handa tayong tulungan, kasama na rin of course ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa liderato ni Usec. Paul na handang kumalinga at tumulong sa mga aping mamamahayag na biktima nga ng kalupitan ng mga politiko at may kapangrihan sa gobyerno, etc.

Ang mahalaga, matapat tayo, laging nasa panig ng totoo sa ating pagsusulat, at kung maging kritikal sa pagbatikos, hayaan na laging magbigay ng panig o pagkakataon ang mga tao o kompanya na sa palagay ay “sinisiraan” o “hinahamak” ang kanilang pagkatao at reputasyon.

Maging parehas tayo palagi, at ‘wag tayong pagagamit sa gawaing ang nais ay ibagsak ang pamahalaan, at maaasahan nga natin, gaya ng sabi ko, ang bagsik ng kamay ng Estado na may tungkuling ipagtanggol ang sarili.

Sinusuportahan natin ang mga panukalang i-decriminalize o alisin ang parusang kulong sa mga kasong libelo at sana ang ating Kongreso ay muling rebisahin ang mga batas at mas mabigyan pa ng proteksiyon ang malayang pamamamahayag.

Mahalaga ang papel ng media na ang tawag nga ay “Fourth Estate” dahil ito ang nagsasatinig ng mga daing at naisin ng mamamayan laban sa abuso sa pamahalaan; at sa kabilang dako, kasangkapan ang media sa pagbuo sa maayos, matiwasay na gobyerno, at nagpapatibay ng tiwala sa taumbayan na suportahan ang pamahalaan at ang ating demokrasya.

Kung walang laya ang pamamahayag, iiral ay masamang gobyerno.

Kung walang kalayaan sa pamamahayag, masisikil ang karapatan ng taumbayan, at ang kawalan nito ang isa sa maraming dahilan ng mitsa ng pag-aalsa.

Tandaan na ang kalayaan sa pamamahayag ay isang mahalagang haligi sa katatagan ng isang pamahalaan at ng ating demokrasya.
***
Teka, noon ay di ako naniniwalang Tambalolos si Speaker, pero para ngang totoo, ha?

Next isyu, tutukan natin ito, kasi, ang aksiyon niya ay parang lalaking may luslos, ay naku, wag naman po sana, kasi, ang guwapo pa naman niya.

Hala, abangan natin ang susunod na kabanata ng abentura sa kaharian ng lagim ni Haring Tambaloslos.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa [email protected].