Advertisers
Umaabot na sa 41 motorcycle riders ang hinuli ng Land Transportation Office (LTO) nang simulan nitong Lunes, November 20, ang implementasyon kaugnay sa “No Registration, No Travel” policy.
Ang mga hinuli ay mula Metro Manila kung saanayroong pinakamataas ng delinquent motor vehicles ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II .
Sinabi pa ni Mendoza, na hindi lang sa Metro Manila ang kampanya kung hindi sa buong bansa.
“Napakaraming motorsiklo ang hindi rehistrado at batay sa ating record, marami sa mga ito ay hindi nakarehistro ng isa hanggang limang taon. Hindi natin papayagan ito at makakaasa ang ating mga kababayan na gagawa tayo ng mga aksyon upang mapilitan ang mga may-ari nito na magparehistro,” pahayag ni Mendoza.
Sa direktiba ni Mendoza sa Regional Directors, ipinag-utos niya makipag ugnayan sila sa Police Regional Offices ng Philippine National Police at traffic enforcement units ng local government units (LGUs) laban sa unregistered motorcycles.
Sa talaan ng LTO, may 24.7 million delinquent vehicles dahil sa ayaw iparehistro ito ng mga may ari.
Ayon kay Mendoza, daramihan sa delinquent motor vehicles ay mga motorsiklo.
“All the apprehended drivers were issued with citation tickets and all the motorcycles with no registration were impounded,” dagdag ni Mendoza.
“The operation we conducted in Metro Manila should serve as a warning to all delinquent motor vehicle owners to register them in the soonest possible time. Huwag na ninyong hintayin pa na mahuli kayo dahil mas malalang problema ang kakaharapin ninyo,” pahayag pa ni Mendoza. (Almar Danguilan/Boy Celario)