Advertisers

Advertisers

MAKABAYAN BLOC SOLON NAGPASALAMAT KAY VELASCO

Ipinagtanggol sa red-tagging

0 249

Advertisers

LUBOS ang pasasalamat ni Act Teachers Party-list Representative France Castro kay House Speaker Lord Allan Velasco sa ginawa nitong pagtatanggol at pagbibigay proteksyon sa ‘Makabayan Bloc’ laban sa akusasyon ni Armed Forces of the Philippines-Southern Luzon Command Chief, Lt General Antonio Parlade, na ang progressive lawmakers ay miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Sa panayam kay Castro ng isang lokal na himpilan ng radyo, inamin nito na hindi nila inasahan ang pagtatanggol ng House Leadership sa red-tagging issue laban sa kanila. Aniya, ngayon lang sya nakarinig ng ganitong klase na House Speaker.
“Lubos namin pinasasalamatan si Speaker Velasco. Yung ginagawa nyang pagtatanggol sa kanyang kasamahan lalo na sya ay Speaker. Ngayon lang ako nakarinig ng Speaker na ganito,” pagpuri ni Castro.
Una nang sinabi ni Parlade, tagapagsalita rin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflct (NTF-ELCAC), na ang Makabayan Bloc members at maging si dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ay under surveillance dahil sa pagiging “card bearing” members ng CPP. Ang impormasyon umanong ito laban sa progressive solons ay hindi galing sa military kundi mismong sa dating CPP members na nagbalik-loob na sa gobyerno.
Ang Makabayan Bloc ay kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaan na noong 2016 sa kanyang talumpati sa 1st Infantry Division sa Labangan, Zamboaga del Sur, sinabi ni Pangulong Duterte na ilang party-list sa Kamara ay may kaugnayan sa CPP at nagpopondo sa armed wing nito na New People’s Army (NPA).
Sa ipinalabas na statement ni Velasco, sinabi nito na apektado sya sa ginagawang red-tagging ni Parlade sa House members.
“As Speaker of the House, I am duty bound to protect them from potential harm due to these careless accusations,” pahayag ni Velasco kungsaan sinabihan nito si Parlade na maging maingat sa kanyang pananalita laban sa House members.
Sinabi ni Castro na mali ang ginagawa ng Duterte security forces na lahat nalang ng nagsasalita sa isyu na pinaglalaban ng makakaliwang grupo at tumututol sa mga polisiyangg ginagawa ng Duterte administration ay binabansagang kaanib ng teroristang grupo.
Gayunpaman, dahil sa naging pagtatanggol sa kanila ni Velasco ay naramdaman nilang protektado sila. “Kahit paano we feel protected and assured kami sa pahayag ni Speaker, pero syempre ingat parin kami sa aming kaligtasan, aware na kami sa aming security,” ani Castro.