Advertisers

Advertisers

MABILIS NA PAGLAGO NG EKONOMIYA NG BANSA IBINIDA NG PAMAHALAAN

0 3

Advertisers

IBINIDA ng pamahalaan ang sinasabing pinakamabilis na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas kumpara sa mga kapitbahay na bansa sa Asya.

Sa ginanap na press briefing sa Malakanyang, inihayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na napanatiling matibay ng bansa ang puwesto nito hindi lamang bilang “one of the fastest” kundi ito aniya ang “fastest growing economy” sa rehiyon.

Binanggit din ni Diokno ang pagtaya ng mga international financial institution na patuloy na lalago ang ekonomiya ng bansa kahit inaasahang hihina ang world economy sa susunod na taon.



“So even the international financial institutions agree. In fact their outlook is that the economy, the Philippine economy will grow the fastest,” ayon kay Diokno.

Aniya, nakapagtala ang Pilipinas ng 5.5% na economy growth kaya’t naungusan nito ang iba pang mga bansa tulad ng Vietnam, Indonesia, China, Malaysia at Singapore.

Matatandaang sa sectoral meeting, kasama sina Diokno at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang economic prospects sa susunod na taon, kung saan natalakay ang inaasahan na anim na porsiyentong paglago ng ekonomiya at patuloy itong lalago mula 6.5 percent-8 percent hanggang sa nalalabing termino ni PBBM.

“So, we are confident that the economy will grow by around 6 percent, that’s the lower end of our growth target of 6 to 7 percent this year and we will continue to grow at around 6.5 percent to 8 percent for the rest of President’s Marcos’ term,” dagdag ni Diokno. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">