Advertisers
Suportado ni Senator Sherwin Gatchalian ang binuong task force ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa korupsyon na pinangungunahan ni Justice Secretary Menardo Guevarra.
Ito ang naging reaksyon ng senador sa media forum ng Nationa Press Club (NPC).
Ayon sa senador, aminado siyang hindi matatapos sa isang administrasyon o isang araw ang pagsugpo sa korupsyon at ito ay magtutuloy-tuloy pa.
Batid aniya na ang laban ng korupsyon at droga ay ito ay on going war.
Sinabi pa ng senador na ito ang nakakalungkot na katotohanan ngunit ang importante aniya ay may mga tao nang mag-iimbestiga sa pamamagitan ng binuong task force ng pangulo.
Aniya, daan-daang abogado umano ang kukunin ng Department of Justice (DOJ) para mapabilis ang pagkuha ng ebidensya at pag-iimbestiga hinggil sa koruspyong nagaganap sa bansa ngunit nilinaw ni Gatchalian na iba ang mag-iimbestiga sa magpapanalo sa kaso.
Sinabi naman ni Atty. Larry Gadon na ang task force ay duplicate lamang dahil mayroon na aniyang nakatalagang mag-iimbestiga sa mga korupsyon at ‘yan ang Ombudsman.
Ang mahirap lamang aniya sa Ombudsman ay hindi nagagalaw ang inihahaing reklamo .
Ayon pa kay Gadon, sa kanilang patakaran kapag complainant ka ay hindi nagagalaw ang reklamo dahil kailangan pang mag-provide ng ebidenysa.
Paliwanag ni Gadon, ang Ombudsman ay maaring mag-nitiate at maari rin silang mag-subpoena at hindi aniya puwedeng sabihin ng Ombudsman na ipakita muna ang ebidensya.
Dapat din aniya aktibo ang Ombudsman kapag may basehan ang reklamo. (Jocelyn Domenden)