Advertisers

Advertisers

Bayanihan isinusulong sa pagtugon sa climate change

0 27

Advertisers

MALAKANYAN, Maynila — Dalawang araw bago simulan ang 2023 United Nations Climate Change Conference (COP28) sa United Arab Emirates (UAE), hinimok ni Climate Change Commissioner Albert Dela Cruz Sr. ang mamamayan na lumahok sa pagtugon sa mga epekto ng climate change upang maitakda ang daan tungo sa self-sufficiency sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga mitigation at adaptation measure na makakatulong sa Pilipinas na makamit ang resiliency sa mga impact ng global phenomenon sa ating kapaligiran.

Una rito, nanawagan si Pangulong President Ferdinand ‘Bongbong’ Romualdez Marcos Jr. sa buong bansa na aktibong makilahok sa mga inisyatibo ng pamahalaan sa pagtugon sa climate change at maibsan ang epekto nito sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga programa ng kanyang administrasyon na siyang makakapagpatupad ng ating commitment na bawasan ang greenhouse gas (GHG) emissions ng 75 porsyento tungo sa taong 2030.

Sa video message sa pagbubukas ng ika-16 na Annual Global Warming and Climate Change Consciousness Week, idiniin ng Pangulo na ang mamamayan at pamahalaan ay may mahalagang bahagi sa pangangalaga ng ating kapaligiran at dito, upang maging matagumpay, kakailanganin ang pagpapalaganap ng ‘bayanihan’ upang mapagkaisa ang buong bansa sa pagtugon sa climate change at global warming.



“We all have a role to play in this mission. So we must work together, take a stance in support of our planet. Let us be involved in creating solutions to mitigate the effects of global warming and climate change,” pinunto ni Pang. Marcos Jr.

Ayon naman kay Commissioner Dela Cruz, tinukoy ng opisyal na “ang impact ng global warming at climate change ay sadyang nakikita na sa ating kapanahunan at ito ay malinaw sa mga extreme weather condition at iba pang mga nakakapinsalang kaganapan na ating nararanasan.”

Bago lumipad ng Dubai, dinalaw ng commissioner si Pangulong Marcos Jr. sa Malacañan Palace para iprisinta ang ikalawang edisyon ng kanyang aklat na ‘Climate Innovation’ sa punong ehekutibo bilang testimonya ng kanyang matibay na pasuporta sa climate action plan ng administrasyong Marcos upang makamit ang resiliency at self-sufficiency para sa Pilipinas.

“Ang pagtaas ng karagatan na sanhi ng pagbaha at tag-init na dahilan ng tagtuyot, mga extreme weather event at pagkawala ng biodiversity ay nagpapaalala sa ation na hindi na natin puwedeng balewalain ito at kailangan natin nang kumilos. Sang-ayon ako sa panawagan ng ating mahal na Pangulo na kailangan nating magkaisa para maging mas resilient at adaptable ang ating bansa.”

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">