Advertisers

Advertisers

Jollibee, suka sa kaso ng 9 Pinoy worker sa US

0 2

Advertisers

Pinagbabayad ng US National Labor Relation Board ang Jollibee ng $84,600 na dolyar o halos P4.5 milyon para sa siyam na empleyadong Pinoy na illegal na tinanggal nito.

Bukod sa pagbbabayad ng halos P4.5 milyon back pay kailangan din ibalik sa trabaho ng Jollibee ang apat sa siyam na worker na sinibak nito sa Journal Square branch sa Jersey City, New Jersey.

Kailangan din humingi ng formal apology ng management sa mga workers na illegal na tinanggal at kilalanin ng Jollibee ang kanilang karapatan na mag-organize para ipaglaban ang kanilang mga karapatan na naayon sa batas.



Noong Pebrero ay sinibak ng Jollibee ang siyam na workers nito matapos na matuklasan ng management na nagpapaikot ng petition ang mga ito para sa dagdag na sahod, double pay sa holiday at pagsasaayos ng working environment ng mga workers nito.

Dinahilan ng pamunuan ng Jollibee na dumadanas ng financial difficulties ang kumpanya sakabila ng pag anunsyo nito ng pagtatayo ng 500 fast food restaurant sa North Amerika.

Una nang kinasuhan ng US NLRB ang North American arm ng Jollilbee na Honeybee Food Corporation dahil sa paglabag nito sa US Federal labor law.