Advertisers

Advertisers

Tsuper binaril-patay sa harap ng mall

0 7

Advertisers

BUMULAGTA ang isang driver nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem habang sakay sa tricycle sa harap ng isang mall sa Sta. Rosa City, Laguna noong Linggo nang gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Marlo Bautista Caguimbal nang magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa report ng Santa Rosa police, dumaraan sa gate 2 ng SM City sa Sta. Rosa ang biktima nang harangin ito ng mga salarin at pagbabarilin gamit ang cal. 9mm bandang 8:00 ng gabi.



Agad na tumakas ang mga salarin patungo sa direksiyon ng Cabuyao City.
Nangangalap pa ng ebidensiya sa mga kuha sa CCTV ang mga awtoridad para sa kanilang imbestigasyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">