Advertisers
Nasa 1,900 sako ng bigas at daan-daang kilo ng frozen meat ang nasabat ng Department of Agriculture sa Barangay Paltok, Quezon City nitong Lunes.
Pinaniniwalang ismagel ang mga ito, base sa impormasyon mula sa Inspectorate and Enforcement Team ng ahensya.
Bukod dito, nakumpiska rin ng ahensya ang 10,700 kilos ng asukal at mahigit 800 kilos ng frozen pangasius fillet, isang uri ng isda.
Nabuking ng ahensya ang mga produkto sa sa isang warehouse sa isang container van sa Zorra Street sa Barangay Paltok.
Tinatayang aabot ang kontrabando sa P5 milyon.
Pangangasiwaan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang disposisyon sa nasabing mga produkto.