Advertisers
Patay ang 19-anyos na lalaki nang mahulog sa puno ng mangga at minalas na natusok ang mata sa bakal na bakod sa Brgy. Tandang Sora, Quezon City, nitong Lunes ng umaga.
Kinilala ni PCpl. Jonathan R Dela Cruz ng Quezon City Police District (QCPD) Talipapa Police Station 3 ang biktima na si Morados Junial, 19, mangangalakal, at residente ng Camarin, Caloocan City.
Ayon sa mga saksi, nakita ang biktima na nangangalakal hanggang sa umakyat ito sa isang puno ng acacia na katabi ng puno ng mangga sa No. 166 Mindanao Avenue Brgy. Tandang Sora, sa lungsod.
Pero nabali ang sanga nang tinutuntungang puno ng acacia na may taas na 20 talampakan at nahulog ang biktima.
Minalas naman na natusok ang mata ng biktima sa iron steel na bakod ng isang subdivision at tuluyan itong masawi.