Advertisers

Advertisers

Binata, arestado sa 30 kaso ng rape

0 8

Advertisers

Naaresto ang isang binata na may 30 kaso ng panghahalay sa Brgy. Muzon sa siyudad ng San Jose del Monte, Bulacan.

Sa pamamagitan ng Warrant of Arrest na may cc.no.431 hanggang 460- SJDM 2023 sa kasong statutory rape in relation to article 266A at 266B, nadakip ang suspek na nakilalang si Kenneth Sta. Ana alyas “Mark”, 31-anyos, residente ng Brgy. Muzon sa nabanggit na lungsod.

Una nang inilabas ang warrant ni Hon. Ma. Cristina Juanson, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 5-FC, CSJDM na may petsang ­Nobyembre 12, 2023.



Samantala, detenido ngayon ang nasabing akusado sa San Jose del Monte City Jail kung saan walang piyansang inirekomenda ang ­korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">