Advertisers

Advertisers

Ex-Ozamiz Vice Mayor Parojinog ‘guilty’ sa droga

0 13

Advertisers

‘GUILTY’ sa kasong iligal na droga ang hatol ng Quezon City Regional Trial Court kay dating Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog.

Ito ang naging desisyon ni Honorable Judge Mitushealla Manzanero-Casiño laban kay Parojinog.



Matatandaan na naaresto si Parajinog taon 2017 sa anti-drugs operation sa mismong kanilang bahay sa Ozamis City na ikinamatay rin ng kaniyang ama, Mayor Reynaldo Parojinog, at 14 iba pa.

Nabatid na higit 677 gramo ng  shabu ang nasamsam sa mismong bahay ng mga Parojinog nang ikasa ang operasyon.

Pinatawan ng korte ng habang buhay na pagkakabilanggo si Parojinog, at  inatasan na magbayad ng kalahating milyong piso.

Bukod dito, inatasan rin ng Korte ang Taguig City Jail Female Dormitory ng paglipat ng kustodiya kay Parojinog sa Correctional Institute for Women.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">