Advertisers
MAGLALABAS na ng suspensyon order ang Office of the Ombudsman laban sa may 89 na barangay chairmen na sangkot sa anomalya sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP).
Pahayag ito ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año.
Dahil dito, sinabi ni Año na nasa 183 barangay chairmen na ang kinasuhan dahil sa pagkakasangkot sa nasabing anomalya.
Mula aniya sa 363 imbestigasyon na kanilang ikinasa, nasa 1,259 na mga opisyal ang inireklamo ng may 781 complainants.
Tinatayang nasa 266 na reklamo naman ang iniakyat na sa prosecutor’s office habang aabot sa 29 ang isinampa na sa Korte.
Pawang nahaharap sa mga kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act, bayanhihan to heal as one act, estafa, robbery extortion at grave threats ang mga inirereklamong opisyal.