Advertisers

Advertisers

PBBM sa China: Amin ang West Ph Sea

0 8

Advertisers

MARIING kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang paggamit ng water cannon sa Philippine resupply vessels ng Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea (WPS) nitong Linggo.

Pagdidiin ni Marcos, tanging ang Pilipinas lamang ang may karapatan sa naturang rehiyon ng South China Sea.

Pinagsabihan ng Pangulo na ang China Coast Guard at Chinese maritime militia dahil sa mga ginagawang delikadong hakbang sa dalawang insidente sa Ayungin Shoal at Bajo de Masinloc.



Ayon sa Pangulo, ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas ay malinaw na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

“The aggression and provocations perpetrated by the China Coast Guard and their Chinese Maritime Militia against our vessels and personnel over the weekend have only further steeled our determination to defend and protect our nation’s sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction in the West Philippine Sea,” dagdag pa ng Pangulo. (Vanz Fernandez)