Advertisers
SWAK sa kulungan ang apat katao nang maaktuhan sa isinagawang anti-illegal drug operation habang gumagamit ng iligal na droga sa Barangay Rosario, Cervantes, Ilocos Sur, Linggo ng madaling-araw.
Kinilala ang mga nahuli na sina Jeffrey Antonio, 33; Joel Antonio, 35; Bernard Cudiamat, 34, pawang residente ng Brgy. Rosario; at Wilbert Totanes, 35, ng Brgy. San Juan, Cervantes.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang aluminum foil strip, isang small heat-sealed plastic sachet na may shabu na tinatayang nasa 0.09 gramo na nagkakahakaga ng P1,000.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga suspek. (PFT team)