Advertisers

Advertisers

Incoming PNP chief – Sinas?

0 322

Advertisers

Ito ang malakas na hugong ngayon sa hanay ng LAW ENFORCERS sa pagreretiro ni PHILIPPINE NATIONAL POLICE CHIEF GENERAL CAMILO PANCRATIUS CASCOLAN kaalinsabay ng kaarawan nito sa kaniyang 56th year birtdhay bukas November 10 (happy birthday sir Cascolan).., na ang papalit sa kaniyang puwesto ay ang kasalukuyan ngayong NATIONAL CAPITAL REGION POLICE CHIEF, MAJOR GENERAL DEBOLD SINAS at ang hahalili naman sa kaniyang pagreretiro sa May 8, 2021 ay ang kaniyang kaklase sa PHILIPPINE MILITARY ACADEMY at well-known sa propesyon na si LIEUTENANT GENERAL GUILLERMO LORENZO TOLENTINO.

Sina SINAS at ELEAZAR ay kapuwa produkto ng PMA-HINIRANG CLASS OF 1987 na kapuwa matunog ang kanilang mga pangalan bilang susunod na PNP CHIEF.., na kung isasaalang-alang ang seniority ay maaaring mauna muna si SINAS dahil ang termino ng pagseserbisyo nito ay hanggang May 8 nitong susunod na taon. Pagkaretiro nito ay agad naman siyang papalitan ni ELEAZAR na ang termino ng pagseserbisyo nito ay hanggang November 13, 2021 (advance hapoy birthday sir Eleazar).., ika nga, puwedeng magbigayan ang dalawang magiting na produkto ng HINIRANG CLASS 1987.

Bago naging hepe ng NCRPO si SINAS ay dati itong POLICE DIRECTOR ng CENTRAL VISAYAS REGIONAL OFFICE (POLICE REGIONAL OFFICE 7), kung saan ay nakita at nakilala ang matinding paninindigan sa larangan ng propesyon.



Isang hindi ko malilimutan sa mga nabalitaan kong performance ni SINAS noong nanungkulan bilang PRO7 POLICE DIRECTOR ay ang patas niyang pagpapairal ng kapayapaan noong panahon ng eleksiyon na ang mga magkakaribal na politiko ay pinabantayan at pinalibutan ng mga police checkpoint ang perimeter sa mga bahay ng mga politiko.., kaya, maging ang isang itinuturing na maimpluwensiyang politiko ay nanggalaite kung bakit may mga police checkpoint sa perimeter ng kaniyang pamamahay.

Sa panahong iyon ay si ELEAZAR naman ang NCRPO CHIEF na maraming malalaking achivement ang nagawa nito partikular ang pagpapatino sa mga tiwaling law enforcer at nang si GEN. CASCOLAN ang naging PNP CHIEF ay inilipat si ELEAZAR bilang PNP FOR OPERATIONS DEPUTY CHIEF at ang kaniyang iniwanang posisyon ay si SINAS ang naitalaga..,, na kapuwa ang mga ito ay nagpakita ng kani-kaniyang pagganap sa kanilang pagseserbisyo lalo na sa paglilinis sa kanilang hanay laban sa lahat ng uri ng ilegalidad.

Gayunman.., habang hindi pa naidedeklara ang susunod o magiging kapalit ng magreretirong si PNP CHIEF GENERAL CASCOLAN ay mananatiling kaabang-abang kung sino ang uupo sa TRONO ng PNP dahil may ilan pang mga POLICE OFFICIALS ang rekomendado sa pagiging lider ng kapulisan sa ating bansa!

KARAPATAN NG PRC NA SINGILIN
ANG PHILHEALTH!

Sa SOCIAL MEDIA ay halos baitikos ang isinasaboy sa PHILIPPINE RED CROSS (PRC) na kesyo MUKHANG PERA ang PRC gayong karapatan ito ng PRC na SINGILIN ANG PHILHEALTH SA MGA PAGKAKAUTANG.



Sabagay marami sa ating mga kapuwa-tao ang hindi naiintindihan ang sitwasyon sa pagpapalakad ng malaking organisasyon tulad bg PRC na pinamumunuan ni SENATOR RICHARD GORDON.., na bago nakipagpareha ito sa PHILHEALTH ay nagkaroon muna ng MEMORANDUM OF AGREEMENT ang mga ito na pangunahin diyan ay ang aspetong pinansiyal.

Ang sinisingil ng PRC sa PHILHEALTH ay ang kabayaran sa lahat ng mga taong PHILHEALTH MEMBERS na sumailalim sa pagpapaswab o pagpapatest para madiskubre kung may COVID ang sinuman…, na ang perang kabayaran dito ay hindi pag-aari ng PHILHEALTH kundi galing din mismo sa kontribusyon ng mga miyembro.., kaya maling ikatuwiran ng nasabing ahensiya na kulang na sila sa pondo kaya uunti-untiin ang pagbabayad.

Katuwirang-malasado ito mula sa PHILHEALTH dahil batbat ng kaanumalyahan ang pinaggagawa ng mga nangangasiwa tulad sa kanilang ginawang ADVANCE PAYMENT sa kakutsaba nilang mga ospital.., bakit ka magpapauna ng bayad sa ospital e kung wala namang PHILHEALTH MEMBER na magiging pasyente halimbawa sa loob ng isang taon? Sa sistemang ito ay maliwanag pa sa sikat ng naglalaglab na liwanag ng araw ang ginawang hokus-pokus ng mga tiwaling opisyal para makulimbat nila ang bilyong pondong ipon ng mga nagpapakahirap sa trabaho ng mga PHILHEALTH MEMBER.

Alangan namang puro pautang sa PHILHEALTH ang gagawin ng PRC para sa pagte-test ng mga tao kung may mga COVID ang mga ito.., e mauubos ang pondo ng PRC para lamang sa COVID Testing?

Hindi lang naman po yan ang pinagkakagastusan ng PRC dahil ngayong may pandemya lamang nilaanan ang COVID Testing.., kung lahat ng pondo ng PRC ay ibubuhos lamang sa COVID Testing dahil sa hindi pagbabayad ng PHILHEALTH e ano pang ipantutustos nilang pasuweldo sa kanilang mga kawani at ano na lamang ang ipang-aasiste nila sa kanilang mga RESCUE VOLUNTEER FORCE na laging sumasagupa sa lahat ng mga kalamidad at mga energency situation?

Tulad na lamang nitong mga nagdaang bagyo ay ang PRC VOLUNTEERS ang mabilis na nagsisipagresponde sa mga nasalanta.., na kailangan dito ang pinansiyal dahil ang VOLUNTEER FORCE nila ay nagugutom din na kailangan dln namang bigyan ang mga ito ng kanilang makakain para manatili ang kalakasan ng kanilang mga katawan…, bukod pa sa pangunahing pagbibigay ng mga relief goods sa lahat ng mga nasalantang pami-pamilya.

Sa mga panahon ng kalamidad tulad nitong bagyong nanalasa sa CATANDUANES, CAMARINES SUR, ALBAY, SORSOGON at iba pang mga lugar ay naihayag ni SEN. GORDON ang kanilang pag-asiste sa mga naapektuhan na.., “we have made an assessment of their primary needs and we provide that. It is our mission to alleviate human suffering and uplift human dignity that is why we will help them rebuild their lives. We want to help them get back on their feet faster”.
***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.