Advertisers

Advertisers

Utol ng ‘missing’ beauty queen naglabas ng saloobin sa FB: ‘Parang lahat nakapabor sa kanila

0 10

Advertisers

PINUNA ng kapatid ng nawawalang beauty queen, Catherine Camilon, ang pagtrato ng mga awtoridad sa kapwa nila pulis na suspek sa kaso.

Sa kanyang Facebook post nitong Miyerkoles, December 10, sinilip ni ChinChin Camilon ang malayang paggamit ng cellphone ng suspek sa pagkawala ni Catherine.

Walang binanggit na pangalan si ChinChin sa kanyang Facebook post pero si Police Major Allan de Castro na sinasabing karelasyon ni Catherine ang pangunahing suspek sa pagkawala nito at ito rin ang nasa restrictive custody ngayon.

“Tagal naaa, kailan ba ito matatapos? Ultimo pagbawal lang ng paggamit ng phone parang hirap na hirap na pagbawalan etong suspect, bakit parang sila ‘yung nako-control ng suspect? Meron nga na ilan pumunta ka lang sa ganto ganyan na bawal gumamit ng phone pero kailangan talaga sundin kase ‘yun ‘yung policy, eto pa kayang suspect na na pwede ma-contact ang kahit na sinong gusto nya i-contact.

Para lang din siyang nasa labas kapag ganto,” bahagi ng post ni ChinChin.

“Alam naman namin na pwede pa gumamit ng phone kahit nasa restrictive custody, pero ‘yung sa amin lang pwede naman alisin ang paggamit ng phone ng isang suspect. Hindi na dapat ‘yun pinag-aaralan, ano ‘yon pag may nangyari na masama ulit gusto niyo may dadagdag sa lulutasin na kaso na pagkatagal tagal malutas?” ayon pa kay ChinChin.

Dumadaing na rin si ChinChin dahil wala parin resulta sa paghahanap sa kanyang kapatid.

“Hirap na hirap na kami sa paghahanap pero parang lahat nalang nakapabor sa suspect, paano naman kaming pagod na kakaisip, kakahanap, kakatanong, Hindi ko na alam kung san ko pa padadaanin etong panawagan na ito. Baka naman!!!!,” dagdag pa ng kapatid ni Catherine.

Wala pang panibagong development na ibinibigay ang Philippine National Police (PNP) sa kaso ng pagkawala ni Catherine, maliban na lamang sa isinampang kaso kay De Castro at sa driver at bodyguard na si Jefrey Magpantay at dalawang hindi kilalang kasapakat.