Advertisers

Advertisers

Bahay pinasok sa Cavite: 1 patay, 1 kritikal

0 19

Advertisers

NAKAHANDUSAY sa sahid at naliligo sa sariling dugo ang bangkay ng ina, habang sa loob ng banyo natagpuan ang kanyang kinakasama nang datnan ng anak Biyernes ng gabi sa Sitio Burol Andaya Compound, Barangay Paliaran 2, Dasmarinas City, Cavite.

Sa report ni Police Lieutenant Colonel Julius Balano, Officer in Charge ng Dasmarinas City Police Station, galing umano sa kanyang trabaho si Lloyd Hendrick, umano’y bodyguard ng isang politiko, 6:00 ng umaga nang datnan ang bangkay ng mga biktima.

Nakita umano ni Lloyd Hendrick ang sirang glass aluminum na pintuan sa harap ng kanilang bahay at nakita niya ang kanyang inang si Soccoro Andya, 63 anyos, na dugoang nakahandusay sa sahig na walang buhay, nagkalat ang mga gamit sa loob ng bahay, at nawawala ang dipa batid na halaga ng kanilang itinabing pera, kaya’t agad niyang hinanap ang kanyang kinakasama na si Nica Ricel Candado, 31, na kanya naman natagpuan sa loob ng banyo na walang malay tao at may sugat sa ulo .



Mabilis na humingi ng tulong sa kanyang mga kamag- anakan si Lloyd Hendrick at isinugod sa pagamutan ang kanyang live in partner. Habang ang kanyang ina na si Soccoro ay dinala na sa Brazal Funeral Services para sa autopsy.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen. (KOI LAURA)