Advertisers

Advertisers

2 nalitson sa nasunog na bus sa Marikina

0 4

Advertisers

NASAWI ang dalawang tao nang matupok ng apoy ang isang bus na nakaparada sa isang bus terminal sa Barangay Calumpang, Marikina City nitong Linggo, Disyembre 17.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), bukod sa dalawang nasawi, may limang tao pa ang nasugatan.

Nagsimula ang sunog 9:14 ng umaga at tumagal ng hindi bababa sa 30 minuto at umabot sa first alarm.
Sinabi ng mga nakakita na nagsimula ang apoy sa isang trak na nakaparada sa tabi ng bus.



Sa ngayon, inaalam pa ang dahilan ng sunog.