Advertisers
HINDI magrerekomenda ang Philippine National Police (PNP) ng “Suspension of Police Operation” laban sa New People’s Army (NPA) ngayon panahon ng Christmas season.
Ayon kay Col. Jean Fajardo, ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda sa lahat ng mga Regional Director na mahigpit na ipatupad ang mga inilatag na mga seguridad sa kani-kanilang mga nasasakupan at sapat na mga tauhan ang bawat police station lalo na nalalapit ang pagdiriwang ng Anniversary ng New People’ Army (NPA).
“Wala tayong nire-recommend so far para magkaroon ng ceasefire for this holiday season. So kasama ito sa pinaghahandaan natin. We will not lower our guards. Alam natin na magkakaroon nga at magce-celebrate sila ng anniversary itong Dec. 26 yung CPP-NPA,” pahayag ni Fajardo.
Sinabi ni Fajardo na sa kasalukuyang ay wala naman silang nakakalap na anumang banta sa seguridad ngayong holiday season.
“Patuloy tayong nagbabantay, patuloy tayong nagmamanman at vina-validate natin yung mga information na nakaka-receive sa atin of course in close coordination sa ating AFP but so far as of this time ay wala tayong namomonitor na anumang serious and credible threat that would hamper the celebration of Christmas and the whole holiday season “ saad ni Fajardo.
“Ang sabi ng ating Chief PNP ay let us maintain our proactive stance para masiguro natin na magiging ligtas itong kabuuan ng holiday season natin,” saad ni Fajardo. (Mark Obleada)