Advertisers

Advertisers

Army truck pinaandar ng baliw: 2 patay, 3 sugatan

0 6

Advertisers

NASAWI ang dalawa katao at tatlo ang malubhang nasugatan nang mabaangga ng isang KM450 Army truck na napatakbo ng isang lalaking may problema sa pag-iisip sa Bangkerohan public market sa Davao City, Linggo ng umaga.

Sa ulat ng Davao City Police Office, kaagad nasawi si Jamie Lopez Cole, 63; at Rocel Luna Haspe, 34 anyos; habang naisugod naman sa pagamutan upang malapatan ng lunas ang mga sugatan na sina Teresita Pilapil Tangaro, 45; Michael Baldoman Maghuyop, 44; at Mae Antoneth Anticamara, 20.

Nasa kustodiya na ng San Pedro Police Station sa Davao City ang kumpirmadong baliw na si Crenenandy Rodriguez Cadiente, 44, na nasukol nang mabangga niya ang isang delivery van at hindi na nito napatakbo pa ang Army truck.



Nakaparada sa isang lugar sa Bangkerohan market ang Army KM450 light truck ng anti-terror Task Force ng militar nang sinakyan at pinatakbo ni Cadiente habang naghahanap ng comfort room ang sundalong driver nito.

Inararo din ng sasakyan ang ilang motorsiklo at malalaking sasakyan habang pinaharurot nito at nahagip ang limang tao na naglalakad sa kalye, sa isang sulok ng public market.