Advertisers
PITO katao ang nasawi sa nasunog na apartment sa Tigaon, Camarines Sur, Linggo ng gabi.
Ayon sa lokal na Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy sa door 2 ng apartment kungsaan natagpuan ang mga bangkay ng isang pamilya, kasama ang 3 taon gulang batang lalaki.
Posible umanong tulog ang mga biktima sa ikalawang palapag ng gusali nang mangyari ang sunog.
Ayon sa BFP, bagong lipat lang noong gabi ng Linggo sa apartment ang pamilya.
Nakaligtas naman ang 4 pang pamilyang tenant sa 2-storey apartment.
Sa report, lumalabas na sanhi ng sunog ang napabayaang kandila sa ground floor ng door 2 apartment.
Walang kuryente sa lugar kasunod ng pananalasa ng bagyong Rolly.
Sinabi pa ng BFP na higit P1 milyon ang halaga ng pinsala ng sunog.