Advertisers

Advertisers

Residente sa EMBO barangays wala nang health benefits sa Makati

0 15

Advertisers

INIHAYAG ng Makati City na wala nang bisa ang yellow cards na may address sa 10 EMBO barangays.

Ang kawalan ng bisa ng yellow cards ay alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema, ayon sa Makati LGU.

Importante ang yellow card dahil ito ang ginagamit ng mga residente sa libreng pagpapagamot sa mga ospital, na pinapatakbo ng LGU.



Bukod sa libreng pagpapagamot, mawawalan na rin ang mga ito ng libreng gamot at vitamins.

Samantala, gustuhin man ng Makati na panatilihing bukas ang health centers at lying-in na nasa 10 EMBO barangays, ngunit ang license to operate ng mga ito ay expired na, kung kaya’t kinakailangan na rin itong isara.” ayon kay Mayor Abby Binay.