Advertisers
Target ngayon ng pamahalaan na maka exit o maalis sa gray list ng international financial crime watchdog ang Financial Action Task Force (FATF) ng sa gayon hindi na umabot pa na mapabilang ang Pilipinas sa black listed countries.
Ayon TV kay Anti-Money laundering Council (AMLC) Executive Director Atty.Matthew David mayruong mga negatibong epekto sa bansa kung mapabilang ito sa black list.
Partikular na maaapektuhan dito ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa kanilang mga transactions sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanilang remittances sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
Tinukoy ni David na posibleng tataas ang cost, mas maraming requirements at posibleng ma denied o disapproved ang transaction.
Sa isinagawang sectoral meeting na pinangunahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., inatasan nito ang AMLC at maging ang mga concerned agencies na gumalaw na at i-comply ang mga itinakda ng PAFTF.
Ayon kay David mayruon pang walong action plan ang kanilang tinutugunan sa ngayon dahil ang 10 dito ay complied na.
Nasa 18 recommendation ang ibinigay ng FATF’s para i-comply ng Pilipinas para maalis sa grey list.
Samantala, kinumpirma din ni David na may mga sinampahan na silang mga individual dahil sa paglabag sa anti-money laundering, subalit tumanggi itong idetalye.
Sa kabilang dako, kinumpirma ni David na walang namonitor o nakuhang intelligence report ang AMLC kaugnay sa terror funds na pumasok sa bansa nuong nakaraang taon.
Dito sa Pilipinas, kilala ang Maute Isis inspired terror group at Abu Sayyaf na tumatanggap ng terror funds mula sa kanilang international terrorist counterpart.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com