Advertisers

Advertisers

Lantsa nasira sa karagatan ng Basilan: 120 pasahero, na-rescue

0 2

Advertisers

NAILIGTAS ng mga tauhan ng Philippine Navy (PN) ang 120 pasahero ng nasiraang lantsa sa Isabela City, Basilan.

Sa report ng PN, nagresponde ang mga tauhan ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) sa karagatang malapit sa Lampinigan Island nang makatanggap ng impormasyon kaugnay sa nagkaaberyang bangkang Den Russel nitong Enero 2 ng umaga.

Naiulat na patungo sa Zamboanga City ang bangka mula sa Dungon, Banguingui, Sulu nang mamatayan ng makina.



Kabilang sa nagsagawa ng rescue operation ang BRP Ivatan ng PN.

Matapos matiyak na nailigtas na ang lahat ng pasahero, kaagad na hinila ang bangka patungong Naval Station Romulo sa Zamboanga City kungsaan inayos ang makina nito. (Jocelyn Domenden)