Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NAGING isang kontrobersya sa MMFF ang hindi pagkapanalo ng anumang award ng festival topgrosser na “Rewind.”
Ito ay sa kabila ng magagandang review ng pelikula lalo na ang performance ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa nasabing tearjerker.
Katunayan, may mga nag-aakusang pinaboran daw ng mga hurado na magwagi ng best actress award si Vilma Santos.
Aminado naman ang Star for all Seasons na nakarating sa kanya ang pambabatikos ng bashers sa kanyang pagkapanalo at maging sa kanyang MMFF entry.
Gayunpaman, nilinaw niya na hindi niya ginapang na manalo ang kanyang pelikula with Christopher de Leon sa panayam ni MJ Felipe.
“Hindi bale kung kami lang personal, [pero] nagsasama na ng ibang tao. Like ‘yung mga jurors na ‘yan, sila ganito, ganyan, kumampi ‘yan. Si ganitong tao, inilakad ‘yan. My God, God knows na ni isa we did not lift a finger para sabihin mong to get the Best Actress award,” aniya.
Hirit pa niya, tinanggap lang daw niya ang award na ipinagkaloob sa kanya na kanya namang ipinagpapasalamat.
“To those na sabi na bakit siya na naman, hindi na muna ibigay sa mga bago, na they’ll have naman their turns. Paano ako lalaban doon? Kinausap ko ba ‘yung mga jurors? Wala naman akong alam. They just gave me the award which I’m very, very thankful [for],” paliwanag niya.
Sa pagkapanalo rin niya ng award, binigyang-kredito niya ang kanyang favorite leading man na si Christopher de Leon na nagsilbing assistant director niya sa pelikula.
Sa mga nagsasabi namang kulelat sa box office ang kanyang pelikula, tanggap daw niya kung nilampaso man ng kanyang inaanak na si Marian ang kanyang pelikula.
“What can we do? It’s really like that. I mean, sometimes you lose, sometimes you win.”
“You cannot have everything, you know? So God is fair,” pagpapakatotoo niya.
Nagpapasalamat din siya sa suporta at magandang rebyu ni John Lloyd Cruz sa kanyang movie na “When I Met You In Tokyo.”