Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SINA Xian Lim at Jennylyn Mercado ang lead stars sa bagong serye ng GMA 7 na Love.Die. Repeat na mapapanood na simula sa January 15, 8:50pm sa GMA Prime. Mula ito sa direksyon nina Jerry Sineneng at Irene Villamayor.
Iikot ang kuwento ng Love. Die. Repeat sa buhay ni Angela (Jennylyn) na namatayan ng asawa, si Bernard (Xian), matapos maaksidente after celebrating their first wedding anniversary.
Sabi ni Jennylyn sa mediacon ng Love.Die.Repeat, na iba ‘yung concept ng kanilang serye, na unique ito, na hindi pa ginagawa sa ibang serye. Dito raw ay mapapanood kung paano na-incorporate ‘yung time loop.
Sinegundahan naman ni Xian ang sinabing ito ni Jennylyn. Sabi niya,”And I think ano rin, ‘yun nga sabi ni Jen, unique. I also said we’re extraordinary dahil it tackles relationship problems. It also has that magical element ng time loop so it’s really something to look forward to.”
Nagpapasalamat naman si Xian dahil hindi naghanap ang GMA 7 ng kapalit nila ni Jennylyn nang natigil ang Love. Die. Repeat dahil sa pagbubuntis ng aktres at natengga ng halos tatlong taon.
“Parang natakot ako na baka ako’y papalitan. Totoo naman po na ako’y natatakot na baka ako yung papalitan ni Miss Jennylyn.
“Kasi while waiting naman po, Jennylyn gave us a date naman, when she’ll be back. So, I got naman po different projects while Jennylyn was resting and taking care of a baby.
“Kasi nung in-offer naman sa akin ‘yung Love. Die. Repeat, wala pa po akong nagagawa sa kanila. Yung nakikita pa lang po yung nagawa ko sa other station.
“And I always say I’m grateful and, of course, kay Jennylyn, kasi siyempre i-approve pa niya kung sino ba ang makakatrabaho niya.
“Xian? Sige pwede na!” natatawang sabi pa ng mahusay at gwapong aktor.
Masaya at thankful si Xian na nakatrabaho niya si Jennylyn.
“Ako po paulit-ulit ko pong sinasabi, na gaya ng iba, fan din po ako ni Jennylyn.
“Nu’ng mga kabataan days ko po, nakikita ko ‘yung mga notebooks na cover si Jennylyn.
“Nakakatuwa lang na nung nakita ko siya, sabi ko, hala, ‘yung pinapanood ko lang noon, paano akong aarte sa harapan niya? Parang nakakahiya,” natatawang sabi pa ni Xian.
Bukod kina Xian at Jennylyn, ang ilan pa sa cast ng Love. Die. Repeat ay sina Mike Tan, Valerie Concepcion, Valeen Montenegro, Nonie Buencamino, Samantha Lopez, Malou De Guzman, Shyr Valdez, Ervic Vijandre, Faye Lorenzo, at Victor Anastacio.