Advertisers

Advertisers

AJ RAVAL, NAKARANAS NG PANG-AABUSO

0 2

Advertisers

Ni Anne Venancio

BIBIDA si AJ Raval sa “The Flickering Bonfire,” isang 20-minutong short film tungkol sa isang babaeng nakaranas ng pang-aabuso.

Nakatakdang ipalabas internationally ang pelikula bago matapos ang 2026 at target itong isali sa mga film festival sa ibang bansa, kabilang ang Sundance at Toronto International Film Festival.

May posibilidad ding gawing full-length film ang proyekto sa 2027.

Kasama ni Raval sa cast sina dating Pinoy Big Brother housemate Hasna Cabral at aktor na si Alex Medina. Gagampanan ni Cabral ang ina ni Raval, habang si Medina ang antagonist.

Hango sa totoong kuwento ang pelikula at nakasentro sa karakter ni Princess, na nakaranas ng pang-aabuso mula sa live-in partner ng kanyang ina.

Ididirehe ang pelikula ng American filmmaker na si Matthew Rusling, co-founder ng FilAmericana Productions kasama ang Filipino producer na si Sarah Cinco.

Nakilala rin ni Raval si Phoebe, ang babaeng pinagkuhanan ng inspirasyon ng pelikula.