Advertisers
Ni Anne Venancio
MAY bagong exciting chapter sa buhay ni Glaiza de Castro—ang pagiging mommy!
Kinumpirma ng aktres noong Setyembre 12 na naghihintay sila ng kanyang Irish husband na si David Rainey sa kanilang unang anak.
Sa social media, ibinahagi ni Glaiza ang kanyang pregnancy journey at aminadong hindi naging easy ang unang trimester.
“GRABE PALA,” pabirong saad ng aktres matapos malampasan ang first trimester.
Malaking tulong din umano sa kanya ang pakikipagkuwentuhan sa ibang mga ina habang naghahanda sa bagong role bilang first-time mom.
Mas lalo rin niyang hinangaan ang mga nanay dahil sa kanyang bagong karanasan.
Samantala, bumuhos ang pagbati mula sa fans at kaibigan ng aktres matapos ang announcement.
Matagal nang plano nina Glaiza at David ang magkaroon ng sariling pamilya. Noong 2025, sinabi ng aktres na isa ito sa mga “projects” na kanilang tinatrabaho.
Ngayon, tila nagbunga na ang kanilang pangarap—literal at very soon!