Advertisers

Advertisers

PAG-UPGRADE SA OMPH NA GAWING MIMAROPA REGIONAL HOSPITAL, ANG PINAKA-MABILIS SULUSYON

0 3

Advertisers

LIMANG pampublikong ospital na pinatatakbo ng provincial governement ng Oriental Mindoro ang over capacity. Bilang ng mga pasyente patuloy na tumataas sa loob ng isang araw.

Lampas na sa kapasidad ang limang pampublikong ospital kung saan umabot na umano sa 482 ang pasyenteng naka admit sa 293 anthorized bed capacity nitong Setyembre 8, batay sa datos ng PGOM Hospital Bed Occupancy Tracker ng Provincial Health Office (PHO), katumbas ito sa 189 pasyente na lampas sa kabuuang kapasidad ng mga ospital o occupancy rate na nasa 164.5 percent.

Mas mataas ito kumpara noong Setyembre 7, na 469 ang occupied beds o 176 na lampas sa kapasidad. Ibig sabihin nadagdagan pa ng 13 pasyente za loob lamang ng isang araw.

Ang pinaka mabilis na sulusyon para matuldukan na ang matagal ng problema ng mga taga Oriental Mindoro para maisaayos ito dapat suportahan at huwag nang hadlangan ng provincial government ang isinusulong nina Oriental Mindoro 1st District Rep. Arnan Panaligan at 2nd District Rep. Alfonso Umali na i-upgrade ang kasalukuyang Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) bilang MIMAROPA Regional Hospital.

Dahil ito ang pinaka mabilis at pangmatagalang solusyon sa healthcare capacity ng lalawigan.

Itong separate bills na inihain nina Panaligan at Umali para i-upgrade ang kasalukuyang OMPH na gawing MIMAROPA Regional Hospital ang pangmatagalang solusyon upang mapunan ang pangangailangang medikal ng probinsya o ng buong Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan (MIMAROPA).

Noong nakaraang buwan (Feb. 20,) nagkaroon ng deliberasyon ang House Committee on Health sa House Bill No. 136 at House Bill No. 2678 na inihain nina Panaligan at Umali na nagmumungkahi na gawing regional hospital ang kasalukuyang OMPH sa ilalim ng Department of Health (DOH).

Inaprubahan agad ng komite ang dalawang panukalang batas at inulat sa plenaryo para sa pag-apruba sa ikatlong pagbasa bago ipadala sa Senado dahil nauna nang naaprubahan ito noong 18th at 19th Congress ngunit nakabinbin ito sa Senado dahil sa pagtutol ni Gov Humerlito “Bonz” Dolor, ang binigyang diin ng dalawang kongresista.

Kaya muling itinutulak ng dalawang mamambabatas ang House Bill No. 2116 at House Bill No. 2678 na gawin nang MIMAROPA Regional Hospital ang kasalukuyang Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Health (DOH).

Panahon na upang magkaroon ng DOH hospital sa Oriental Mindoro at ang pag-upgrade ng OMPH na gawing MIMAROPA Regional Hospital ang pinakamabilis at pinakamainam na solusyon sa usaping ito.

Kapag naisabatas ang itinutulak ni Panaligan at Umali, kaya nitong tugunan ang kakulangan sa pasilidad, modernong kagamitan, at medical specialists na naging dahilan kung bakit napipilitang magpagamot ang mga taga Oriental at Occidental Mindoro sa Batangas at Metro Maynila.

Itong conversion ng OMPH, ang inaasahan para mapunan ang lahat ng kakulangan tulad ng bed capacity, magkakaroon ng mas makabagong kagamitan, at mahihikayat ang mas maraming doktor at espesyalista.

Malaking ginhawa ito lalo na sa mga mahihirap na pamilya mula sa Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.

Panahon na para magkaroon ng DOH Hospital sa Oriental Mindoro at ang conversion ng OMPH ang pinakamabilis na sulusyon sa usaping ito. Mismo!

Nakakapanghinayang kung hindi lang tinutulan ng gobernador walong taon na sanang may DOH Hospital ang Oriental Mindoro.

Kung hindi ito nahadlangan, sigurong hayahay sana ang buhay ng mga taga Oriental Mindoro o ng buong MIMAROPA ang antas ng serbisyong medical ng DOH.

Ano ba ang Ibig sabihin ng Conversion?

Kapag naging DOH hospital ang kasalukuyang OMPH:
Direkta na itong popondohan ng national government
Mas lalaki ang budget para sa kagamitan at pasilidad.
Mas maraming doktor at espesyalista
Mas maraming libreng serbisyo para sa mga mahihirap kasama na rito ang Zero Balance Billing, kung saan ang mga indigent na pasyente ay wala nang babayaran sa confinement at operasyon.
Sa madaling salita: mas malaking tulong ito lalo na sa mga mahihirap.
Bakit mas praktikal ang Conversion?

Ayon nga kay dating DOH SEC. Teodoro Herbosa, mas mainam na i-upgrade ang kasalukuyang provincial hospital dahil:

1. Gumagana na ito, 2. May health workers na, 3. May existing na pasilidad, 4. Mas mabilis kumpara sa pagtatayo ng bago, 5. Hindi na kailangang magsimula sa wala.

Nagtataka lang tayo bakit hindi ito sinuportahan ng Gobernador samantalang mamamayan naman niya ang makikinabang dito at hindi ang mga kongresista ?

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com