Advertisers
ILALAHAD ang pinal na roster ng mga kalahok na paaralan at institusyon ilang araw bago ang pagratsada ng National Universities and Colleges Athletic Association ( NUCAA) Season 2 , na nakatakda sa Enero 20, 2024 na paparada sa Ynares Sports Center, Pasig City.
Inimbitahang maging special guest speaker si Philippine Basketball Association ( PBA) legend at superstar Alvin ‘The Captain’ Patrimonio na magpapaningning sa pagbubukas ng ikalawang edisyon ng prestihiyosong ligang pang-unibersidad, kolehiyo at institusyon.
Sinabi ni Chairman Atty. Carmelo Arcilla sa NUCAA executives, managers’, athletic directors and coaches meeting sa CAB , Pasay City kamakalawa, mas komprehensibo, innovative at mataas pang antas ng kumpetisyon ang matutunghayan sa ikalawang edisyon ng scholastic basket ball league na nationwide ang saklaw.
Matutunghayan sa parade of colors ang 3- division defending champion Philippine College of Criminology kabilang ang Electron College, San Pedro College of Business and Arts at College of Saint Catherine Quezon City na pawang regular na members ng liga.
Naimbitahan namang lumahok at magkukumpirma ng pagsali bago ang January 20 opening ang mga institusyong Integraged Innovative and Hòspitality Colleges ,Central College of the Philippines. Asian Institute of Maritime Studies , PATTS ,ICCT, Airlink at Philippine Christian University.
“It’s all systems go for the opening of NUCAA Season 2, the genuine and comprehensive grassroot basketball league in the country today”,wika ni Chairman Arcilla(Civil Aeronautics Board E.D.) na ipinagmqlaki ang masigabong tagumpay ng liga sa buwenamanong edisyon nitong nakaraang taon. Katuwang sa NUCAA management sina Solomon Padiz (President), Romualdo Eduardo Dumuk (Executive Vice President), Atty. Joanne Marie Fabella (Corporate Secretary), Leonardo Andres , Sr.(Executive Director), Arlene Fajardo Rodriguez( Deputy Executive Director), Gene Bang Tumapat (Treasurer), Ricardo Andres (Auditor), Arturo Valenzona( Director) Arturo Bai Cristobal (Director) at Dan Simon (PRO). (Danny Simon)