Advertisers
NAGTALA si Domantas Sabonis ng triple-double sa iniskor na 37 points,13 assists at 10 rebounds upang tulungan ang bumisitang Sacramento Kings na itala ang 131-110 wagi laban sa makulit na Detroit Pistons.
Keegan Murray umayoda ng 32 points at De’Aaron Fox nagdagdag ng 26 points para sa Kings, na tinapos ang laro sa 30-9 run. Malik Monk bumakas ng 20 points at nine assists.
Ang Detroit na nabigo ng limang magkakasunod, ay naglaro sa unang pagkakataon na wala ang kanilang leading scorer Cade Cunningham dahil sa left knee strain.
Bojan Bogdanovic pinamunuan ang Pistons sa iniskor na 26 points habang si Jaden Ivey may 22 points at six assists.Jalen Duren nagdagdag ng 16 points at 10 rebounds habang si Alec Burks nag-ambag ng 16 points off the bench.