Advertisers

Advertisers

Duplantis lalahok sa Europeans championship

0 2

Advertisers

LALAHOK si Armand “Mondo” Duplantis, ang Swedish pole vault star, sa European Championships sa susunod na buwan matapos umatras sa Diamond League meet sa London noong nakaraang weekend, ayon sa kanyang ahente nitong Miyerkules.

Umatras ang 26-anyos na si Duplantis sa London meet dahil sa problema sa kaliwang hita matapos maka-akyat ng 5.95 metro.

“No sign of injury after a professional examination that also included an MRI and x-ray,” tugon ng kanyang agent Daniel Wessfeldt sa AFP.

“With some light training and sufficient treatment he should be totally ready within 10 days. His planed competition program stays firm. Next meet the European championships in Birmingham.”

Ang double Olympic at triple world champion ng mundo ay nakabasag ng rekord ng mundo ng 15 beses, una sa 6.17m noong 2020. Ang kanyang pinakabagong marka ay 6.31m sa Sweden noong Marso.

Gaganapin ang European championships sa lungsod ng Birmingham sa Inglatera mula Agosto 10-16.