Advertisers

Advertisers

3 patay, 1 sugatan sa Lanao Sur ambush

0 15

Advertisers

NASAWI ang tatlo katao at isa ang malubhang nasugatan sa ambush sa liblib na barangay sa Pualas, Lanao del Sur, Linggo ng hapon, January 14, 2024.

Kinilala ang mga biktima na sina Pendaton Polayagan, 54 anyos; Tarapas Polayagan, 32; at Mutilan Polayagan, 26.

Sa ulat ng pulisya at ng local officials ng Pualas, sakay ng isang tricycle ang mga biktima nang paputukan ng mga lalaking nakaabang sa gilid ng daan sa Barangay Masao sa naturang bayan.



Agad nasawi sa mga tama ng bala ang tatlong biktima. Malubha namang nasugatan ang isa pang miyembro ng kanilang pamilya na si Benjamin Polayagan, 25-anyos.

Mabilis na nakatakas ang mga salarin, ayon sa barangay officials ng Masao.

Pinaniniwalaang “rido” o away ng mga angkan ang anggulo ng insidente. Kilala ang Lanao del Sur sa pagkakaroon ng maraming kaso ng mga rido, ilan dito sangkot ang malalaking political clans.