Advertisers
MARAMI nang beses inupuan ng Senado ang mga panukalang batas para amyendahin sa Saligang Batas mula pa 1987 hanggang 2023, ayon sa isang dating kongresista.
“Ilang congress na po na inaakyat natin sa senado yang charter change for economic reforms pero inuupuan lang nila,” ayon kay Atty. Alfredo Garbin, dating Ako-Bicol partylist representative at dating chairman ng House Committee on Constitutional Reform noong 18th Congress. Mula pa noong 8th Congress ipinasa na ng House of Representatives ang mga measures para amyendahan and Constitution pero ngayon lamang kumilos ang Senado.
“Congress initiated that and not the Senate,” sabi ni Garbin.
Batay sa Inventory of Measures of Constitutional Reform of the House of Representatives Committee on Constitutional Amendments, mula 8th hanggang 19th Congress, simula June 1987 hanggang June 2022, 358 measures ang ipinasa ng Kamara para amyendahan ang Saligang Batas. Pero hindi ito inaksyunan ng Senado maliban sa dalawang beses.
Kasama rito ang 83 panukala na humihiling ng Constituent Assembly para amyendahan ang Konstitusyon, 105 measures para gamitin ang Constitutional Convention, at 98 naman para umupo ang Kongreso in separate sessions.
Batay sa inventory, noong 12th Congress taong 2003, kumilos din at nag-file ng committee report ang Senate Committee on Constitutional Amendment sa pamumuno ni Sen. Edgardo Angara. Ang Angara committee report ay nagrekomenda ng Constitutional Convention para amyendahan ang Saligang Batas. Umabot sa period of sponsorship sa plenaryo ng Senado ang panukalang ito pero wala ring nangyari.
Minsan pang gumalaw ang Senado hinggil sa pag amyenda ng Konstitusyon ay noong 14th Congreess taong 2009. Ang Senado ay nag-adopt ng Resolution 811, entitled “Resolution Expressing the Sense of the Senate that Any Attempt by the House of Representatives to Unilaterally Oppose Amendments To or Revision of the Constitution Without the Approval of the Three-Fourths of the Senate Voting Separately, Is Unconstitutional.”