Advertisers

Advertisers

DOH pinasususpinde kay PBBM ang PhilHealth premium rate hike

0 10

Advertisers

UMAPELA ang Department of Health (DOH) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na suspindihin ang pagpapatupad ng pagtaas ng premium rate ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa 2024.

Ayon kay Health Secretary Herbosa, nagpadala siya ng letter of recommendation kay Pangulong Marcos na binigyang diin na ang hakbang ay hindi makakaapekto sa kalagayang pinansyal ng state health insurer kung maaantala ang pagtaas ng premium.

Ani Herbosa, may sapat na pera o pondo ang PhilHealth para ipagpatuloy talaga ang pagbibigay ng mga benepisyo.



Ang nakatakdang pagtaas ng PhilHealth rates ay alinsunod sa Universal Health Care (UHC), na nilagdaan noong 2019 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang batas ay nag-uutos ng pagtaas sa halaga ng kontribusyon ng PhilHealth hanggang umabot ito sa 5% pagsapit ng 2024.

Magugunitang, iniutos ni Pangulong Marcos ang pagsuspinde sa premium rate at income ceiling hike ng PhilHealth para sa year calendar 2023, dahil sa mga socioeconomic challenges na dulot ng pandemya.

Ang premium rate ay dapat na tumaas sa 4.5% noong nakaraang taon, habang ang buwanang basic salary ceiling ay dapat sana ay P90,000.

Una nang sinabi ng PhilHealth na magpapatuloy pa rin ang plano nitong palawakin ang coverage ng mga benefits package nito ngayong taon kahit na sususpindehin ng Pangulo ang ipinag-uutos na pagtaas ng premium rates.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">